Nakakatawa talaga ang love.
Isa siyang napakalaking "oxymoron".
Lahat ng pwede mong masabi sa kanya,
baligtarin mo ay totoo pa rin.
Ang labo 'di ba? Pero malinaw.
Masaya magmahal, malunkot magmahal.
'Di mo maintindihan pero naiintindihan mo.
Walang rason, maraming rason.
'Di mo kaya pero kaya mo parin.
Masakit pero okey lang.
Hayy, Ano ba talaga???
May kaibigan, ako sabi niya,
" Love is only for stupid people."
Nakakatawa kasi (Laude) ang standing niya,
pero dumating ang panahon na-iinlove ang hunghang.
At ngayon, tanga siya nagyon.
Hindi lang kasi baligtaran ang pag-ibig.
Lahat kasi ng bagay nababaligtad din niya.
Lahat ng malakas na tao, humihina.
Ang mayabang, nagpapakumbaba.
Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Theresa.
Ang mga henyo nauubusan ng sagot.
Ang mga malulungkot, sumamasaya.
Ang matitigas, lumalambot at tumitigas din
ang mga bagay na dati nama'y malambot?
Nakakatawa talaga.Lalo na kapag dumating siya
sa taong ayaw na talagang magmahal.
napansin ko nga eh!!!
Parang kung gusto mo lang ma-inlove ulit,
sabihin mo lang ang magic words na
"Ayoko ng ma-inlove."
biglang W A C H A! ! ! ayan na siya,
NANGAASAR...
Magpapaasar ka naman...
'Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema
ng ibang tao, ang galing-galing mo?
Pero pag problema mo na yung pinag-uusapan
parang nawalan ng saysay lahat ng ipinayo
mo dun sa namromblemang tao?
Naisip mong wala namang mali dun sa sinabi mo
pero bakit wala paring tama???
Bali-baligtad din ang nasasabi ng mga taong
tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig,
"Ngayon ko lang nalaman ganito pala...
Sabi ko nga eh, "ang sarap mabuhay!
Pwede na kong mamatay, Now na!"
At hindi lang yun. Ang sarap ding pagtawanan
ng mga taong alam nilang masasaktan lang
sila ay magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.
Tapos pagluray-luray na yung puso nila,
syempre hindi sila ang may kasalanan, Siya!!!
"Bakit niya ako sinaktan?" May kasama pa yung pagsuntok sa pader
at pagbasak ng pinto, Hanep talaga...
Masasabi kong marami na kong karanasan pero wala pa rin.
Hay naku mauubos lahat ng nakakatwang bagay pagsinabi ko pa
lahat ng nalalaman ko about love.
Nakakatawa noh???
Pero nakakaiyak...


pimp text
Nagtatanong
bakit mahirap
sumabay sa agos
ng iyong mundo
Nagtataka
Simple lang naman sana
Ang buhay
Kung ika'y matino
Sabihin sa akin lahat ng lihim mo
Iingatan ko
Ibaling sa akin ang problema mo
kakayanin ko
Pikit mata
kong iaalay
ang buwan at araw
pati pa sapatos kong suot
Nagtatanong
simple lang naman sana
ang buhay
kung ika'y lumayo
Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit
Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa pait
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit
Sasamahan ka
